Is this love?
Love nga ang nararamdaman ko para sayo, o crush? Bakit ba ganito, ang komplikado. Committed ka, committed ako, kaya hindi pwede. Kung sana lang wala akong karelasyon eh, handa akong maging kabit.
May tiyansa kaya ako sa iyo, kahit konti lang. Handa akong tanggapin kahit tira tira lang. Hindi naman ako manghihingi ng buo, dahil alam ko hindi pwede.
Kagabi, yoon ang unang beses na naglambing ako sa isang lalaking hindi ko karelasyon. Ang gabing kapareho ng nararamdaman ko... madilim, walang patutunguhan, nasa kawalan. Ngayon umaga na, maliwanag. Kasing linaw ng katotohanang wala akong tiyansa sayo.
Kahit alam kong walang pag asa, patuloy parin kitang mamahalin. Patuloy na aasa na sana kahit konti lang.
Mali ba itong nararamdaman ko? O nasa maling pagkakataon tayo nagkakilala.