I never though na magagawa mo sa akin to. Minahal kita ng lubos, higit pa sa sarili ko. Binigay ko sayo ang sarili ko ng buong buo to the point na napabayaan ko na ang sarili ko. Pero lahat ng yun ay nasayang lang. Sinayang mo lang. You took me for granted.. pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko.
Hindi ko lubos maisip kung bakit eh. Sobrang sakit nito para sa akin. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, kung ano pa ba dapat ginawa ko para hindi mo na yun ginawa.
Lagi akong andyan para sayo kapag kailangan mo ng taong mag uuplift sayo, mag eencourage, mag bibigay ng advise, ng positive words. Pero kulang pala no. Ngayon na realize ko, never mo pala talaga ako minahal no. Ang minahal mo is yung personality ko.
I don't think you have loved me at all, I think you just loved the idea that I am nice, sweet, thoughtful, and caring. Minahal mo yung mga bagay na kayang kong ibigay sayo. Pero never mong minahal ang buong ako.
Ngayon ikakasal ka na, gustong kong lumaban, pero alam kong wala naman akong laban eh. Bakla lang ako. Babae siya, dinadala niya ang magiging pangalawang anak mo. Talo ako. You want me to stay, ayaw mo akong mawala sayo, sabi mo walang magbabago satin. Pero sobrang unfair naman yun sa akin no. Ano yun, gusto mo akong maging kabit? Ako ang nauna pero ako ang magiging kabit? Lagi lang akong mag aantay sa kung kailan safe mo ako tawagan kasi hindi kita pwedeng i message, i text, or tawagan kung kailan ko gusto dahil baka mabasa niya?
At kung tatangapin ko man and gusto mo, sobrang unfair para sa akin. Ako ang magsasakripisyo, ako ang lugi, ang pinaka masasaktan, pero at the end of the day, ako parin ang lalabas na masama.
Siguro ibalik nalang natin sa dati, sa kung saan tayo nagsimula. Sa pagiging magkaibigan.
"Didistansya lang muna ako ha, para hndi na ako masaktan lalo. Pero nandito lang naman ako pag kailangan mo ako. Hindi mawawala, hndi maglalaho."
Siguro panahon na muna para intindihin ko ang sarili ko. Sobrang kong napabayaan eh, babawi muna ako para sa akin.